Posts

Showing posts from August, 2017

Mga Halimbawa na Sitwasyon sa Paraan ng Pagbabahagi ng Wika

Image
1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) - pagpapahayag ng saloobin, damdamin at emosyon. Halimbawa: Isang babae na nagpapahayag ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagpasasalamat. 2. Panghihikayat (Conative) - makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakikipag-usap. Halimbawa: Isang bata na nanghihikayat ng mga tao na bumili sa kanyang produkto. 3. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (Phatic) - makipag-ugnayan sa kapwa Halimbawa: Isang baguhan na nagpapakilala sa kanyang magiging  kaklase. 4. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) - ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maparating ang mensahe at impormasyon. Halimbawa: Si Jose na kumukuha ng mga importanteng impormasyon para sa kanilang pag-uulat bukas. 5. Paggamit ng Kuro-Kuro (Metalingual) - lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Halimbawa: Dalawang magkaibang organisasyon na nag

Mga Halimbawa na Sitwasyon sa Tungkulin ng Wika

Image
1. INSTRUMENTAL - tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng  pakikipag-ugnayan sa iba. Halimbawa: Isang batang lalaki na sumusulat ng tula  para sa kaniyang takdang-aralin 2. REGULATORYO - tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Halimbawa: Isang doctor na nagbibigay ng tagubilin sa kanyang  pasyente sa mgadapat at hindi dapat na  gawin upang  hindi lumala ang kanyang kondisyon . 3. INTERAKSIYONAL - nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Halimbawa: Tatlong magkakaibigan na nagbibiruan sa isa't isa. 4. PERSONAL - pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Halimbawa: Pagsulat sa diary o  journal  para maibahagi ang iyong saloobin na tanging ang iyong sarili at ang diary ang nakaka-alam. 5. Heuristiko - pagkuha at paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aralan. Isang mag-aaral na naghahanap ng impormasyon tungkol sa  kanila